Direk Bobet Vidanes, ininsulto umano sina Vice Ganda at Vhong Navarro matapos iwanan ang ‘It’s Showtime’

ADVERTISEMENT

Hindi na talaga natatapos ang mga isyu sa batikang kolumnista na si Cristy Fermin. Ngayon patungkol naman ito sa dating direktor ng noontime show na ‘It’s Showtime’ na si Direk Bobet Vidanes. Ito ay patungkol umano sa mga panlalait ng direktor sa dati niyang mga kasamahan sa show.

Source:IG/direkbobetvidanes

Noon lamang October 18, 2021 sa isang episode ng digital talk show niyang “Cristy Ferminute”. Ibinahagi ng kolumnista na may natanggap siyang text message. Sa hindi na niya pinangalanang source. Kalakip umano ng nasabing text message na ito ay ang mga hindi magagandang salita na binitiwan ni Direk Bobet laban kina Vice Ganda at Vhong Navarro.

Source:IG/memeviceganda

Saad ni Cristy, “Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text ‘yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).” Hanggang sa binasa nito ang laman ng sinasabi niyang text message na kanyang natanggap.

Source:IG/memeviceganda

Pagsisiwalat pa ni Cristy, “Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, ‘Ang b0b0 ni Vhong Navarro’. Si Vice naman, ‘Basura talaga ang ugali ng bakla’. Naririnig ‘yun ng mga cameramen sa headset. ‘Wag siyang magsinungaling’.”

Aniya pa, “’Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor director. Hindi lang siya nakakadinig nu’n.”

Source:IG/memeviceganda

“Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi ‘yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen,” dagdag pa nito.

Laman din ng naturang text message na ito na hindi lamang sina Vice at Vhong ang nilait umano ni Direk Bobet, kundi pati na din ang mga dancer. Bukambibig pa nga daw nito pag nagkakamali ang mga Showtime dancers, “Ang b0b0b0 talaga ang mga babaeng ‘to. Magaling lang magsayaw”.

Source:IG/direkbobetvidanes

Panoorin ang kabuuang pahayag ni Cristy Fermin:

ADVERTISEMENT